Patunob sa Birhen sa Lourdes

Ang pananalangin sa Our Lady of Lourdes ay ginagawa sa buong mundo, kahit pa sa maliit na bayan ng Binuangan sa Misamis Oriental. Ginagawa ito tuwing ikalawang linggo ng Pebrero taon-taon, na tinawag nilang Patunob sa Birhen sa Lourdes Festival.

Hindi lamang patron ng Binuangan ang Mahal na Ina kundi kinililala nilang tugon sa kanilang dasal. Dinarayo ito ng mga mananampalataya upang magdasal, humingi ng pagpapala at kagali­ngan sa sakit.

Para maunawaan ang Filipino spirituality, kailangan ding makilala si Mama Mary. Ang Patunob sa Birhen sa Lourdes ay isang healing ritual na isinasagawa ng mga babaeng manggagamot ng Binuangan. Ang Patunob ay salitang Visaya na ang ibig sabihin ay “to be stepped on”. Isa itong  ritwal kung saan ang ima­he ng Blessed Virgin ay inilalagay sa balikat at ulo ng isang tao.

Habang ginagawa ito, nananalangin ang folk healer, bilang tagapama­gitan sa mga intension sa Birhen sa Lourdes. Naniniwala ang mga mananampalataya na handog ang kakayahan ng mga manggagamot sa glossolalia upang maipaabot ang kanilang mga kahiligan.

Nagsimula ang ritwal sa Patunob sa Birhen sa Lourdes noong mga hu­ling taon ng 19th century. Natagpuan ng mga locals ang imahe sa isang bukal sa loob ng isang kuweba sa Daang Lungsod na ang tawag ngayon ay Binua­ngan.

Sa mahabang panahon, nasa pangangalaga ang imahe ng pamilya Salvañas at Zagados kung saan tinatanggap nila sa kanilang mga tahanan ang mga mananampa­latay. Matapos ang World War II, nagpagawa sila ng altar kung saan natagpuan ang imahe. Ginawa nila itong chapel na kalaunan ay naging malaking shrine.

Katabi ng shrine ay lawa na puno ng mine­ral water at bendetadong tubig. Higit sa lahat, naniniwala ang mga mananampalatayang naka­kalinis ito ng katawan at kaluluwa at nakagagaling sa mga maysakit.

Hindi lamang pana­nampalataya ang idinarayo sa Binuangan kundi pagsasaya rin. Kasama sa pagsasaya ang prusisyon, awitan, sayawan at marami pang iba.

Kasama sa highlights ang Drum & Lyre competition. Ito ang panahon para maglaban-laban ang mga iskwelahan sa Misa­mis Oriental upang ipakita ang kanilang kakaibang husay at marching band antics.

At tulad ng lahat ng mga fiesta, inaabangan ang street dancing na sinasalihan din ng mga karatig-bayan.

Mayroon ding pageantry of choreography, costumes at props.

Ang Patunob sa Birhen sa Lourdes ay ang pamamaraan ng Binua­ngan upang ipakita ang kanilang cultural & spiri­tual devotion sa Mahal na Birhen.

Gayunman, ito rin ay pagpapahayag ng kaligayahan ng bawat Katolikong Filipino sa pagkakaroon ng imahe ng Mahal na Birhen.

At sa kanya, ang sigaw ng lahat ay Viva Birhen sa Lourdes! — NV