MAPANONOOD sa Kara Mia ang dating Kapamilya actor-dancer na si Paul Salas at mukhang hiyang na raw ito sa Kapuso network lalo’t ramdam nito na welcome siya sa bagong mother newtwork.
Matagal nabakante ang career ni Paul, pero hindi naman daw nasayang ang panahon nito at personal niyang naasikaso ang kanyang negosyong TravelBean Coffee. Bukod sa kanilang branch sa Mother Ignacia Quezon City ay nagbukas na rin ng branch sa Taguig City. Ang nasabing business ng actor at ilang kasosyo ay travel agency at coffee shop na magbibigay comfort sa kanilang customers.
Ang mga magulang ni Paul ang kanyang naging inspirasyon para magkaroon ng ganitong negosyo sa kanyang murang edad.
DOT SEC BERNA ROMULO-PUYAT BAGAY MAGING
ENDORSER NG ‘IT’S MORE FUN’ CAMPAIGN
AT her age na still pretty, sexy, and attractive ay hindi na kailangan pang kumuha ng sinumang celebrity endorser ang Department of Tourism dahil mismong ang kasalukuyang Secretary ng goverment agency na ito na si Berna Romulo-Puyat ay perfect na mag-endorso ng “It’s More Fun In The Philippines” na 7 years ago ay popular sa mga banyagang turista at mga kababayan nating mga bakasyonista.
At ngayong pinauusong muli ang nasabing hashtag ay si Sec. Berna ang bagay na bagay dito. Kasi hindi lang siya maganda’t matalino kundi mahusay pa siyang makipag-usap sa mga turista kung saan kanyang ipinaliliwanag kung bakit maraming nag-aantay na fun and excitement once na nag-travel sila sa Philippines at bumisita sa mga magaganda at ipinagmamalaking tourist spot natin sa bansa.
And in all fairness dahil sa maayos na pamamalakad ni Sec. Berna sa DOT, ay hindi na ito nakakaladkad sa anumang intriga!
LOVE MATCH SEGMENT NG
EB Love KINOPYA NG KABILA
BALIK na naman sa panggagaya sa Eat Bulaga ang It’s Showtime na nagre-rate lang sa Kantar Media dahil sa Tawag ng Tanghalan pero sa Mega Manila o NUTAM Ratings ay araw-araw silang pinadadapa ng Bulaga.
Kaloka, wala na bang maisip na bagong idea ang writers ng show na ito at pati ang patok ngayon na segment ng EB na “Anong Status Mo, Love O Luck?” ay kanila ng ginaya. Pero may kasabihan nga tayo na original is always the best, kaya kahit na kopya-hin pa nang paulit-ulit ang nasabing love match portion ng nasabing longest running noontime variety and public service show (EB) na sa darating na Hulyo ay 40 years na sa ere ay mananatili silang copycat sa lahat.
Samantala, apat na pares ng girls and boys araw-araw ang mapapanood sa LOL o Love o Luck na kung sino mag-partner ang makakatapos sa finish line ay siyang magwawagi ng P20K.
Comments are closed.