PAULGAS

TIWALA – ito ang naging puhunan niya para sa kaniyang pangarap na magkaroon ng sariling negosyo.

Sa simula pa lang, hindi nawala sa kaniyang kagustuhan na matupad ang kaniyang simpleng pangarap, kahit pa ilang beses siyang nabigo dahil batid niya na sa pagnenegosyo siya aasenso.

Kuwento ito ni Paul Valenzuela, aniya, kahit noong empleyado pa lamang siya ay pangarapa na talaga niya ang magkaroon ng kahit na maliit na negosyo subalit hindi ito naging madali sa kaniya kaya ang ending, muli na naman siyang babalik sa pagiging empleyado.

“Halos araw-araw ko din naiisip ‘yun na kahit maliit lang, ok na sa akin. May mga pagkakataon pa nga na ako ay bumibitiw sa aking stable na trabaho para makapag simula ng maliit na negosyo. Pero lahat nang aking sinubukan noon ay hindi naging successful kaya napipilitan ako na bumalik sa pagiging empleyado,” simulang kuwento ni Paul.

Base umano sa kaniyang karanasan, mahihirapan siyang maabot ang “financial success” kung patuloy lamang umano siyang magiging empleyado.

“Sa negosyo kasi, puwede ka mag leverage. Puwedeng ang ibang tao ang gagawa ng trabaho para sa’yo kapalit naman ng kanilang suweldo at incentives. Bukod sa makakatulong ka sa iba, hawak mo pa ang oras mo kaya puwede kang mag-expand, or mag start ng another business venture gamit ulit ang leveraging.”

“Isa rin sa inspiration ko ay dahil alam ko na dinala ako ni Lord dito at pinagkatiwalaan Niya ako sa pagnenegosyo. Kaya naman gusto ko ibalik yung glory sa Kanya at pasasalamat by persevering na mapaunlad ko ‘yung business na ipinagkatiwala Niya sa akin,” ayon pa kay Paul.

Si Paul ay apat na taon na ngayong nagmamanage ng kaniyang sariling negosyo bilang LPG dealer – ang PaulGas (LPG Dealer).

“Sa LPG business, puwede ka magsimula kahit hindi ka mag rent ng puwesto basta may storage o garahe, motorsiklo at kumpleto ka sa mga permits and requirements. Puwede ka na magsimula. Nag-e-enjoy din kasi ako na makipag-usap at mag build-up ng relationship sa ibat ibang klase ng mga tao.

Kahit may sarili na akong manggagawa, gusto ko parin na directly nakikipag usap sa mga customer namin sa phone man o personal. Kaya ko din napili ang negosyo na ito ay dahil sa isa sa mga pinsan ko, may ganito ring hanapbuhay. Sila din ay nagsimula sa maliit ngunit ngayon ay napaunlad nila ang kanilang negosyo at patuloy pa na lumalago,” dagdag pang kuwento ni Paul.

Tulad din ng ibang negosyo na labis na naapektuhan ng pandemya, bumaba rin ang kita ng kaniyang negosyo dahil marami sa mga katulad niya ring dealer ang nagbagsak ng presyo ng LPG ngunit sa kabila nito, at sa awa ng Diyos, marami pa rin ang nagtitiwala sa kanilang maayos serbisyo at de-kalidad na serbisyo.

Sa mga nangangarap na magkaroon ng kanilang sariling negosyo, narito ang ilang payo ni Paul:

1) Huwag magmamadali. Huwag kaagad mag-invest sa isang negosyo na hindi sapat ang iyong kaalaman. Marami na ngayong mga resources online kaya once na nakapag desisyon ka na kung anong negosyo, mag invest muna sa kaalaman.

2) Hanggat maari, iwasan ang pangungutang ng malaking kapital lalo na kung hindi ka 100% sure na kikita ka sa papasukin mong negosyo. Mas safe na mag simula ka sa maliit lalo na kapag hindi ka pa sanay at bago ka pa lang sa pag nenegosyo. doon ka muna sa low risk, low return. kapag nagamay mo na ang kalakaran at stable na ang kita, saka ka mag loan for expansion.

3) Mas malaki ang chance ng success kung ang papasukin mo na negosyo ay naaakma sa iyong personality, skills, physical capabilities at syempre, ‘yung hilig mo. Huwag basta papasok sa isang negosyo dahil ito ay uso o patok. Kapag pumasok ka sa isang hanapbuhay na hindi ka masaya and fit, kapag nagkaroon ng mga challenges, mas malaki ang chances na ikaw ay mag give-up.

4) Consistency. Lahat ng hanap buhay ay may ups and downs. Ang totoo niyan lalo na sa nagsisimula, mas madalas pa ang ang mga challenges. Pero anticipate mo na na marami kang pagdadaanang mga challenges o problema kaya paghandaan mo ito, at ‘wag na ‘wag kang hihinto hanggat may nakikita kang potential na lumago ang business mo. Kapag nakita mo na ‘di talaga para sa’yo, ‘wag matakot na sumubok muli. At isipin kung saan ka nagkamali at mag invest ulit sa kaalaman.

5) Focus lang muna sa isang plano at huwag magpabago bago ng isip. Mag latag lang ng ilang mga options at palagi mo ito babalikan kapag nagkakaroon ng mga issues.

6) Make plans for your income goals. Set your goals kung magkano ang target mo na realistic monthly income. Pagplanuhan mo kung paano mo ma-achieve ‘yun. Kapag na-achieve mo na yung initial income goal mo, set ka ulit nang mas mataas na goal at mag plano ka ulit. Paulit ulit lang ang process until ma-meet mo na ‘yung gusto mo ma-achieve na kita.

7) Faith. Huwag masyado mag-focus sa blessings kundi sa kung sino ang nagbibigay ng blessings. I don’t know your faith and belief, pero sa sarili kong experience, palagi ko kinakausap si Lord sa mga plano ko. kaya kung anuman ang nararating at mararating ko sa buhay, ito ay dahil mayroong mabuting Diyos na gumagabay sakin at pinagkakatiwalaan ko Siya. CRIS GALIT

6 thoughts on “PAULGAS”

  1. 95098 649586Hello! This is my first comment here so I just wanted to give a quick shout out and tell you I genuinely enjoy reading through your blog posts. Can you suggest any other blogs/websites/forums that go over the same topics? Appreciate it! 484205

  2. 783350 801276This style is steller! You most surely know how to maintain a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (properly, almostHaHa!) Amazing job. I actually loved what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 90501

Comments are closed.