PAULO AVELINO MAY FRANCHISE NG SCOTT BURGER AT MOVIE PRODUCER NA RIN

AYON sa isang kaibigan, good provider itong si Paulo Avelino sa anak nila ni LJ entra eksenaReyes na si Akio. Yes, malaki raw ang monthly support na ibinibigay ni Paulo para sa pag-aaral at gastusin ng anak. Kaya pala blessed at hindi nawawalan ng project ang Kapamilya actor kasi mabuti siyang ama.

May natapos ng movie si Paulo kasama si Janine Gutierrez at start na rin ang taping nila sa “Burado” kasama sina Julia Montes, Nadine Lustre, Zanjoe Marudo, Javi Benitez at Thai actor Superstar na si Denkhun Ngamnet. Bukod sa pagiging actor, ay isa na ring entrepreneur si Paulo na nag-produce noong 2017 ng pinagbidahang historic movie na “Goyo: Ang Batang Heneral.”  Nabawi niya ang puhunan at kumita siya rito.

Sa taon ding ito itinayo ni Paulo ang sariling franchise ng Scott Burger sa Quezon City. Dahil sa matao ang lugar ay jackpot din ang guwapong actor sa nasabing negosyo.

JANE OINEZA MATINDI ANG CHEMISTRY KAY RK BAGATSING

SHOWING na in 150 cinemas nationwide ang “Us Again” na Rated PG at first mainstream movie ng director na si Joy A. Aquino na masaya kasama ng mga pangunahing bida na sina Jane Oineza at RK Bagatsing. Very successful ang red carpet premiere nila last Monday sa SM Megamall Cinema 7 at maraming stars ang sumuporta sa kanilang premiere night tulad nina Janella Salvador, Ritz Azul, Jerome Ponce, Raymond Bagatsing at Star Magic talents. Ito ay iba sa napano­nood ninyong rom-com movie at iba ang atake ni Direk Joy sa pelikulang ito na ang ganda ng pagkakagawa. Mga ganitong tipo ng movie ang pa­sado sa Netflix kaya may chance na mapanood ito rito.

Kahit out of the box ang takbo ng istorya ng Us Again, ay marami pa rin ang puwedeng maka-relate lalo’t kuwento ito ng love triangle na ‘yung inagawan ay sobrang understanding. Bagay na bagay kay Jane ang karakter niyang si Margie na hindi natupad ang pangarap na maging doctor at na-inlove kay Mike played by RK. Pero complicated dahil boyfriend pala ng kaibigan ni Jane na si Sarah Edwards si RK. Pero itinuloy pa rin ng dalawa(Jane and RK) ang bawal nilang pag-ibig.

BAGONG SEGMENT SA BULAGA NA BARANGAY OLYMPICS 2020 TIYAK NA PAPATOK NA NAMAN

PATULOY sa pag­hataw ang Bawal Judgmental, Prizes All The Way, Hype Kang Bata Ka at ang Lucky chair sa Barangay APT na sangkatutak na papremyo ang puwedeng mapanalunan ng masuwerteng studio audience. Ngayon ay may bagong-bagong segment ang Bulaga na “Barangay Olympics 2020,” na laro sa tanghalian na nag-umpisa noong Lunes.

Yes, mala-basketball team na may tinatawag na MVP’s  ang mga Dabarkads players. Last Tuesday ay ang mga MVPs ng Barangay Marcelo Green, Parañaque City, GAME FACE ON talaga sa Face

Lifting Challenge ang naglaban. At bongga ang exposure ng mga maglalaro sa Barangay Olympics na close-up ang shot lagi sa TV  screen at malaki ang puwedeng mapa­nalunan.

Comments are closed.