MALAPIT nang ipalabas ng Small Business Corporation ang pautang sa maliliit na negosyo para makabangon ang mga ito mula sa hambalos ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay SB Corp. Vice President for Innovation & Advocacy Frank Lloyd Gonzaga, nakahanda silang magpautang pa sa mga nangangailangang micro, small and medium enterprises (MSMEs) bagama’t kailangan aniyang simplehan pa ang loan process.
“We are already in the final stages of approving and finalizing the 15,000 applications for loan releases,” wika ni Gonzaga sa CNN Philippines.
“With the Bayanihan 2, we’re looking at further streamlining our process to make it more responsive. Despite the huge number of applications that we have already gotten, we believe that we will continuously receive more and more applications in the near future.”
Ang SB Corp., ang financing arm ng Department of Trade and Industry (DTI), ay sinita ng mga mambabatas noong Hunyo dahil sa mabagal na pag-apruba sa loan requests.
Ang ahensiya ay naunang naglaan ng ₱1-billion loan facility para sa mga apektadong MSMEs sa ilalim ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises program.
Naglaan ang Bayanihan to Recover as One Act na nagkabisa noong Setyembre ng ₱39.472 billion bilang capital infusion sa Philippine Guarantee Corp., Development Bank of the Philippines, at Land Bank of the Philippines para makapagpahiram sila sa mga nangangailangang kompanya, kabilang ang maliliit na negosyo.
Sa ilalim ng programa, ang loanable amount ay mula ₱10,000 hanggang ₱200,000 para sa micro enterprise na may assets na hindi hihigit sa ₱3 million, habang ang maliliit na negosyo na may assets na hindi hihigit sa ₱15 million ay maaaring makautang ng hanggang ₱500,000.
Ayon kay Gonzaga, magbubukas din sila ng online portal upang maging mas madali para MSMEs ang pagsusumite ng aplikasyon.
Comments are closed.