PAUTANG SA MGA TITSER

Quezon City Rep Precious Hipolito-Castelo

ITINUTULAK ng isang kongresista ang pagkakaroon ng special loan window ng mga bangkong pagmamay-ari ng gobyerno para sa public school teachers.

Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, ang House Bill 1015 o ang Public School Teachers Special Loan Window Act na kanyang ipinanukala ay naglalayong maayudahan ang mga guro sa mga pampublikong paaralan na nanga­ngailangan ng agarang tulong pinansyal.

Nakasaad sa panukala na ­maaaring umutang o humingi ng financial assistance na may mababang interes ang mga bonafide public school teacher sa ilalim ng Special Loan Window ng mga government bank.

Ang loan ng mga guro sa ilalim ng Special Loan Window ay hiwalay pa sa ibang emergency loans na may mataas na interest rates.

Sinabi ni Hipolito-Castelo na sa pamamagitan ng panukalang ito ay maiiwasan na mabaon sa utang ang mga guro na nabibiktima ng mga higanteng loan sharks.

Dahil hindi pa nakakamit ng mga guro ang nararapat na suweldo, karapatan, aniya, ng mga ito na mabigyan sila ng simple at disenteng buhay na ma-laya sa anumang malalaking bayarin na dulot ng mga pautang.  CONDE BATAC

Comments are closed.