PINURI ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go ang desisyon ng Supreme Court para sa pagpapatupad ng dagdag sa minimum salary grade sa nurses sa mga government hospital matapos ang isang taon mula nang maging batas ito.
Sinabi ni Go na pinupuri rin niya ang Department of Budget and Management sa paglalabas ng Circular no. 2020-4 na magpapatupad ng section 32 ng Republic Act No. 9173 ng Philippine Nursing Act of 2002 na magpapatupad ng dagdag minimum monthly base pay ng mga entry-level nurses kung saan retroactive ito mula Enero 1 hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Go, dalawang dekada itong laban ng mga nurses na sa wakas ay maibibigay na ang dapat na para sa mga ito.
Ipinaliwanag nito na ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa, dapat maibigay ang lahat ng tulong sa mga healthworker bilang pagkilala sa kanilang mga dakilang sakripisyo para sa bayan at mga mamamayan.
Matatandaang isa si Go sa mga nakipaglaban para sa inclusion ng dagdag na P3 billion sa miscellaneous personnel benefits fund of 2020 budget para mabigyan ng salary upgrade ang mga government nurses sa 1 at 2 positions.
Iginiit ni Go na malaki ang diperensiya ng suweldo ng mga nurse dito at sa abroad kaya naman nais niyang mapaangat ang suweldo ng mga ito sa bansa upang hindi na lumayo ang mga ito sa kanilang pamilya. VICKY CERVALES
Comments are closed.