PINAYUHAN ni Catholic Bishops of the Philippines President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang mga botante na huwag pumili ng leader batay sa resulta ng mga Survey.
Ibinabala ni David na babagsak ang bansa kung ganito ang paraan ng pagpili sa mga pinuno.
Dapat aniyang magsaliksik ang publiko sa mga isyu, kasaysayan, background at track record ng kandidato bago pumili ng nararapat na mamumuno sa bansa.
Iginiit ni Bishop David na dapat timbangin ng publiko ang mga nagawa, kuwalipikasyon at kredibilidad ng mga kandidato, partikular sa pagka-pangulo, lalo’t ito ang pinakamataas at pinaka-mahalagang posisyon sa bansa. DWIZ882