PINOY IWAS MUNA SA HONG KONG

malakanyang

PINAIIWAS muna ng Malakanyang ang mga Filipino nationals na magtungo sa Hong Kong.

“If you want to go to Hong Kong, this is not the right time to go there,” ito ang mariing iginiit ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ginanap na press briefing kahapon.

Ito ay sa harap ng lumalalang tensiyon sa Hong Kong dahil sa malawakang kilos protesta dahil sa extradition bill at ang napaulat na pagkansela ng mga biyahe patu­ngong airport makaraang pasukin ng libo-libong  mga protester ang arrival at departure areas ng pa­liparan.

“Avoid going there. That’s the advice because you’re not sure if you’re going to reach Hong Kong in the first place,” sabi pa ni  Panelo.

Sa ngayon ay wala pa namang ipinatutupad na travel ban ang pamahalaan sa Hong Kong ma­ging ang posibleng deployment ban ng mga Filipinong manggagawa  roon.

Nagsimula ang mga kilos protesta sa Hong Kong makaraang maghain ng panukalang batas na papayagan ang extradition  pabalik ng China.

Nais din ng mga nagpoprotesta na magsagawa ng eleksiyon upang makapagluklok ng mga lider na mamumuno sa Hong Kong legislature at pagpapaimbestiga sa mga naging aksiyon ng mga awtoridad sa naganap na mga demonstrasyon sa iba’t ibang panig ng bansa. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.