PBA 3X3: LEG 4 CROWN SA CAVITEX

TINAPOS ng Cavitex ang sunod-sunod na third place finishes sa PBA 3×3 First Conference Season 3 nang pataubin ang TNT, 21-17, upang kunin ang Leg 4 championship kahapon sa Ayala Mall Circuit.

Bumawi si Jorey Napoles mula sa masamang semifinal showing nang umiskor ng 8 points upang pangunahan ang Braves sa panalo na nagkakahalaga ng P100,000.

Naitala niya ang final point win ng Cavitex, may isang minuto pa ang nalalabi at kinuha ang unang korona ng koponan ngayong conference.

Nagdagdag si Dominick Fajardo ng 5 points, kabilang ang isang jumper na naglapit sa Braves sa panalo, habang umiskor sina Bong Galanza at Kenneth Ighalo ng tig-4 para sa 3×3 team ng NLEX, na ginabayan ni Kyles Lao.

Bago ang panalo, ang Cavitex ay tumapos sa third sa unang tatlong legs ng bagong season.

Nanguna si big man Lervin Flores para sa TNT na may 7 points at 5 frebounds. Naibulsa ng Triple Giga, kampeon sa Leg 3 noong nakaraang linggo, ang runner up purse na P50,000.

Samantala, nagsanib-puwersa sina Alfred Batino at Joseph Sedurifa para sa Meralco, na naungusan ang guest team Wilcon Depot, 21-20, upang kunin ang third place na nagkakahalaga ng P30,000.

Tumapos si Batino na may 12 points at nagdagdag si Sedurifa ng 8 eight para mapigilan ng Bolts ang Wilcon Depot sa kauna-unanang podium finish.

Patungo sa finals, pinataob ng Cavitex ang NorthPort sa quarterfinals, 21-16, at pagkatapos ay nalusutan ang Meralco sa semifinals, 17-15.

Samantala, ginapi ng TNT ang San Miguel sa quarterfinals, at naungusan ang Wilcon sa overtime, 22-20, sa Final Four.

Iskor:
Third place:
Meralco (21) – Batino 12, Sedurifa 8, Santos 1, Caduyac 0.

Wilcon Depot (20) – Andrada 6, Banal 5, Vigil 5, Tumalip 4.

Finals:
Cavitex (21) – Napoles 8, Fajardo 5, Galanza 4, Ighalo 4.

TNT (17) – Flores 7, Vosotros 6, Exciminiano 2, De Leon 2.