MATIKAS na tinapos ng Cavitex ang kanilang kampanya sa PBA 3×3 Third Conference makaraang pagharian ang final leg ng 3rd season Martes ng gabi sa Ayala Malls Market Market.
Tumugon si Jorey Napoles sa pangangailangan ng Braves, na binigo ang upset bid ng Blackwater Razer Smooth, 20-18, upang kunin ang Leg 6 at ang P100,000 top purse.
Tumapos ang dating 3×3 national team member na may 13 points at 8 tatlong puntos ng Braves upang kunin ang emotional win.
Muntik nang hindi makapasok ang Cavitex sa knockout stage nang magkumahog sa group phase at hinintay ang resulta ng MCFASolver-Purefoods knockout match – na napagwagian ng Titans – bago nakasiguro ng isang quarterfinals berth.
Subalit pagdating sa playoffs ay ibang Braves ang sumalang, sinibak ang Barangay Ginebra sa quarterfinals, 21-17, bago pinatalsik ang Leg 5 champion TNT sa semis, 18-16, upang umabante sa championship round ng conference sa unang pagkakataon.
Umiskor si Kenneth Ighalo ng 4 points at kinumpleto nina Bong Galanza at Clint Doliguez ang scoring para sa Cavitex ni coach Kyles Lao.
Ang runner up finish na nagkakahalaga ng P50,000 para sa Blackwater ay una sa franchise history at magandang momentum build up patungo sa grand finals dalawang linggo mula ngayon.
Sa duelo para sa third, ginapi ngTNT ang Meralco, 21-16, para maiuwi ang P30,000 premyo.