PBA 3X3: MERALCO, CAVITEX SA Q’FINALS

PBA 3x3 Meralco Bolts

NADOMINAHAN ng Leg 1 winner Meralco at perennial contender Cavitex ang kanilang pool play upang pangunahan ang quarterfinalists sa Leg 2 ng PBA 3×3 Season 3 Third Conference nitong Lunes sa Ayala Malls Manila Bay.

TINANGKANG lusutan ni Venky Jois ng NorthPort ang double defense nina Tony Bishop at Japeth Aguilar sa kanilang laro sa PBA Commissioner’s Cup noong Linggo sa Araneta Coliseum. Kuha ni RUDY ESPERAS

Winalis ng Bolts, na tinuldukan ang mahabang tagtuyot sa kanilang tagumpay sa kickoff leg noong nakaraang Disyembre 12, ang kanilang dalawang asignatura sa three-team Pool A upang tumapos bilang top quarterfinalist ng grupo, habang ang Braves, third-placers sa Leg 1, ay nagposte ng 3-0 upang pangunahan ang four-team Pool C.

Nag-init si Joseph Sedurifa na may 13 points para sa Patrick Fran-coached Bolts na pinataob ang  multi-titled TNT, 21-14, para sa mainit na simula sa kanilang back-to-back bid.

Nag-ambag sina at Sedurifa at Jeff  Manday ng pinagsamang 19 points  upang pangunahan ang  Bolts kontra  Barangay Ginebra, 21-13, at selyuhan ang kanilang pag-usad sa susunod na round via sweep.

Kinuha nina Almond Vosotros, Ping Exciminiano, Gryann Mendoza at Chester Saldua ng Triple Giga (1-1) ang isa pang quarterfinal berth sa Pool A kasunod ng 21-7 pagdispatsa sa Gin Kings (0-2).

Nagbigay-daan sa KO rounds sa Martes sina Braves’ Jorey Napoles, Tonino Gonzaga, Philip Paniamogan at  Ken Ighalo, na tinambakan ang Terrafirma, 22-15, at  NorthPort, 21-9, bago naungusan ang Purefoods,  21-19, sa likod ng winning deuce ni  Jorey Napoles.

Samantala, nagtala ang Leg 1 runner-up MCFASolver at San Miguel Beer ng magkatulad na 2-1 marka sa Pool B upang kunin ang dalawa sa tatlong tickets sa quarterfinals.

Ginapi ng Beermen ang  Tech Centrale, 21-19, pagkatapos ay ibinasura ang Pioneer, 21-12, bago yumuko sa Blackwater, 15-17. Sa pagitan ng setback sa SMB, nagposte ang MCFASolver ng mga krusyal na panalo kontra Smooth Razor, 17-15, at Katibays, 21-20.                  

CLYDE MARIANO