PBA 3X3: PUREFOODS, TNT SA Q’FINALS

pba 3x3

MAINIT na sinimulan ng TNT ang kanilang kampanya para sa isa pang opening-leg win sa PBA 3×3 Lakas ng Tatlo nang magtala ng 3-0 sweep sa Pool A sa pagsisimula ng aksiyon sa Third Conference kahapon sa Robinsons Magnolia.

Dinispatsa ng Tropang Giga, ipinarada  ang bagong quartet na kinabibilangan nina old reliable Almond Vosotros at Samboy de Leon at 3×3 debutants Ping Exciminiano at Gryann Mendoza ang Zamboanga, 21-16, Terrafirma, 21-12, at Barangay Ginebra, 21-15, para kunin ang isang quarterfinal ticket.

Tinalo nina Vosotros and Co. sina Gin Kings Leo de Vera, Denice Villamor, Martin Gozum at Mikey Cabahug sa duelo ng mga unbeaten team para sa No. 1 position sa Pool A. Umusad ang Ginebra, na unang tinalo ang Dyip, 21-20, at ang Valientes, 21-13, sa No. 2 sa grupo na may  2-1.

Makakasagupa ng TNT, ang Leg 1 victor sa First at Second Conferences, ang second-ranked squad sa Pool D sa Last-8, habang makakaharap ng Ginebra ang Pool D topnotcher.

Matapos ang Day 1, magkasalo ang Platinum at San Miguel Beer sa liderato sa Pool D.

Napantayan ng Purefoods TJ Titans ang perfect record ng Tropang Giga sa Pool C patungo sa Last-8.

Naitala ng Titans crew nina Joseph Eriobu, Pao Javelona, Jun Bonsubre at Jed Mendoza ang mga panalo kontra vCavitex, 21-19, at Master Sardines, 21-19, bago naungusan ang Limitless App.

Ginapi nina Jorey Napoles at Reymar Caduyac, kasama sina  Nico Salva at Alfrancis Tamsi, ang Fishing Champs sa iba pa nilang laro sa Day 1, 21-16, para sa 1-1 at makatabla ang Cavitex. Nakopo ng Braves ang kanilang panalo kontra Master, 21-12.

Nangunguna ang Meralco sa Pool B makaraang gapiin ang Sista, 21-8.

Ang Super Sealers ay may 1-1 kartada, nagwagi kontra Second Conference champion Pioneer Pro Tibay, 18-16.