PBA 46TH SEASON: BUBBLE O CLOSED CIRCUIT?

PATULOY na susubaybayan ng PBA ang sitwasyon sa bansa bago gumawa ng desisyon sa kung paano idaraos ang susunod na season.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, hindi nagmamadali ang liga na gumawa ng pinal na desisyon.
Aniya, ang kongkretong plano ay ilalatag sa February o March 2021.

“Hindi pa natin alam kung ano’ng gagawin natin,” wika ni Marcial. “Hindi pa natin alam kung ano’ng sitwasyon.”

Matagumpay na natapos ng PBA ang Philippine Cup nito ngayong buwan sa isang ‘bubble’ sa Clark, Pampanga.

Ang pagsasagawa ng isa pang ‘bubble’ ay isa sa mga opsiyon ng PBA, ngunit sinabi ni Marcial na kinokonsidera rin nila ang iba pang posibilidad tulad ng isang ‘closed circuit’ system kung saan ang mga player at coach ay manggagaling sa kanilang mga bahay patungong venues at pabalik.

Ang desisyon ay nakadepende, aniya, sa sitwasyon hinggil sa pandemya sa susunod na taon.

Comments are closed.