PBA BALIK-AKSIYON NA SA PEBRERO?

on the spot- pilipino mirror

SANA ay matuloy ang negosasyon nitong si Sol Mercado sa Meralco Bolts upang makabalik na siya sa paglalaro.

Ilang taon na rin namang nabakante ang beteranong player mula nang bitiwan siya ng Barangay Ginebra. Sabihin mang may edad na si Mercado ay malakas pa rin ang kanyang pangangatawan at malakas pa rin ang pulso nito pagdating sa pagbuslo ng bola. Kaya pa niyang makipagsabayan kahit sa mas bata sa kanya.

Nagkainteres ang kampo ni coach Norman Black kay Mercado dahil nawala na sa Bolts  si John Pinto, na nakuha naman ng Gin Kings dahil nasa unrestricted free agent na ito.



Posibleng mag-resume na ang PBA Governors’  Cup sa 2nd week ng February. At balik ang laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig. Pero bago iyan ay naghihintay pa rin ng ‘go signal’ ang PBA sa IATF kung puwede na sIlang magsimula.

Kailangang sumunod sa  protocols ang mga PBA player  upang makaiwas sa COVID-19. At kinakailangan ding magpa-booster shot ang lahat ng  players.

Patuloy naman ang pagsuporta ni GAB Chairman Baham Mitra para matuloy na ang PBA Governors’ Cup



Matagal ding naglaro sa kampo ng Sta. Lucia Realtors itong si Mika Reyes. Lumipat na si Reyes sa ibang koponan para sa paghahanda sa PVL .

Ano nga ba ang dahilan at lumipat si Reyes sa PLDT High Speed Homes? Mas feel umano ni Mika na karapat-dapat siya sa team PLDT.  Siyempre ay nagpapasalamat siya sa mga naging team niya.

Ngayon pa lamang ay excited na ang dating  Lady Green Archer sa  kanyang bagong team  Good luck!