PBA BUBBLE SA DUBAI?

Coca Cola Arena

NAKAKUHA ng atensiyon ang  Philippine Basketball Association (PBA) buhat  sa ilang prospective bubble tournament hosts mula sa kasing layo ng Dubai.

Nagpahayag ng interes ang Coca-Cola Arena sa Dubai, na naging hosts sa mga official PBA game, at ngayon ay nasa exploratory  talks na sa PBA Commissioner’s Office.

“They have communicated with us and they’re asking for the requirements,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial, patungkol kay Mark Jan Kar, Commercial Director ng Coca Cola Arena.

May ilang nagtatanong din mula sa mga grupo na tinitingnan ang posibilidad na dalhin ang PBA games sa Baguio at El Nido, Palawan.

Umusbong ang mga Interes  para sa posibleng tie-ups sa PBA magmula nang bigyang-diin ni league chairman Ricky Vargas ang pagnanais ng liga na ipagpatuloy ang Season 45 na kahit may isang conference simula sa October.

Sinabi ni Vargas na posibleng hiramin ng liga ang NBA concept, kung saan tinukoy niya ang Laguna, Batangas, Subic, Clark at Smart Araneta Coliseum sa Quezon City bilang bubble options.

“Nandyan na tayo eh, and my own feeling is we don’t have a choice. May model na tayo in what’s the NBA is doing. We just have to go ahead, move forward and look forward to the time na laro na tayo,” ani Vargas sa kanyang pagbisita sa PSA Forum noong Martes.

Ang kanyang pahayag ay umani ng interes mula sa ilang  quarters, kabilang ang mga hotel sa Manila  na nag-aalok ng  lodging at transportation sa liga.

Ayon kay Marcial, ang lahat ng ito ay magbibigay-daan para maisakatuparan ang pagbabalik ng liga.

Aniya, pinag-aaralan nila ang mga bagay-bagay, kabilang ang play dates para sa planong pagpapatuloy ng Season 45 Philippine Cup.

“If we play double-header or triple-header four or five days a week, we can finish the tournament in two months. Kung araw-araw, pwedeng one month and a half. Pero depende sa ating TV coveror,” ani Marcial.

Comments are closed.