PBA BUBBLE ULIT?

on the spot- pilipino mirror

MAGKAKAROON ng general meeting ang PBA Board of Governors at si PBA Commissioner Willie Marcial next week upang pag-usapan ang posibleng pagsasagawa ulit ng PBA bubble matapos na ma-extend ang ECQ.

Sa kasalukuyang sitwasyon ay siguradong mapo- postpone ang opening ng PBA 46th season kaya dapat ay maagapan ang pagbubukas ng liga. Plano sana ng professional league na gawing dalawa ang conference — Philippine Cup na pawang mga Pinoy ang maglalaro at ang 2nd conference ay mayroon sanang import. Subalit tila mahihirapan na naman ang liga.

Ang opening ay nakatakda sana sa April 18 subalit hindi na ito matutuloy  dahil nag-ECQ ang NCR kasama ang Cavite, Laguna, Bulakan at Rizal. Sa Ynares Antipolo  gagawin ang opening kaso ay kasama sa ECQ ang Antipolo. Pati nga ang practice ng mga PBA team ay nahinto. Kaya paano makapagsisimula ang liga. Sana naman ay hindi na ma-extend ang ECQ para magtuloy-tuloy na ang pagbangon ng ating mga mamamayan.

Hindi lamang ang mga manonood ang sabik sa PBA kundi maging ang mga PBA player mismo na gusto nang maglaro.



Ilalagay na lang pala sa coaching staff itong si Asi Taulava ng NLEX lalo na’t 48 years old na ang Fil-Tongan player.  Bigyan na ng pagkakataon ang mga batang player. Wala na sigurong dapat patunayan pa si Taulava sa kanyang basketball career sa tagal na rin niyang naglalaro. Malaki rin ang maitutulong niya sa coaching staff ng team pagdating sa diskarte bilang isang sentro

Si Eman Monfort na dating point guard ng Road Warriors ay kasama na rin sa coaching staff. Sa mga hindi nakakaalam ay mahusay si Monfort. Madalas namin itong nagiging panauhin para magbigay ng inspirational talk sa mga kabataan, kung paano niya narating ang tugatog ng tagumpay. Ex-Ateneo Blue Eagle  kaya magaling magsalita. Bihira sa mga player ang may katangiang magsalita sa mga kapwa players. Good luck kina Asi at Monfort sa kanilang bagong career.



Mukhang tuloy-tuloy pa rin ang basketball career ni Reyniel Hugnatan ng Meralco Bolts. Maganda naman ang ipinakita niya noong nakaraang PBA bubble. Bagaman 41 na ito ay kayang

-kaya pa naman niyang makipagsabayan sa mga batang player. Marami pa siyang pahihirapan. Disiplina umano sa katawan ang kanyang pinakasikreto kaya malakas pa siya. Pinagkakatiwalaan pa naman siya ni coach Norman Black kaya kahit papaano ay na-extend pa ang kanyang kontrata.

2 thoughts on “PBA BUBBLE ULIT?”

Comments are closed.