PBA BUKAS PA RIN SA PAGLALARO NG GILAS SA SEASON 46

Willie Marcial

NANANATILING bukas ang pinto ng PBA para sa pagsabak ng Gilas Pilipinas bilang guest team sa liga.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, makikipag-usap siya kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio para sa posibilidad ng pagpapahintulot sa men’s national team na maglaro sa second conference ng liga.

“Depende sa pag-uusapan namin ni SBP President Al Panlilio kung makakalaro ang Gilas kahit buong conference,” sabi ng PBA chief sa virtual media conference noong Biyernes.

Ang Gilas team ay dumating na mula sa Belgrade, Serbia kung saan sumabak ito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Ang national team ay magpapahinga ng dalawang linggo matapos na makumpleto ang kanilang 10-day quarantine, bago bumalik sa training  bilang paghahanda para sa FIBA Asia Cup sa susunod na buwan sa Indonesia.

Matapos ang Asia Cup, ang Gilas ay magpopokus sa kanilang kampanya sa FIBA World Cup qualifiers, kung saan kailangan pa ring maglaro ang bansa sa kabila na may puwesto na ito sa 2023 World Championships bilang isa sa tatlong co-host countries.

Kung hindi kakayanin ng Gilas na maglaro sa buong conference, sinabi ni Marcial na maaaring mag-adjust ang liga at maaaring paglaruin ang  Gilas ng ilang games lamang.

“Mga ilan-ilan. Six or seven games. Depende sa pag-uusapan namin at depende sa programa ng SBP,”dagdag ni Marcial. CLYDE MARIANO

94 thoughts on “PBA BUKAS PA RIN SA PAGLALARO NG GILAS SA SEASON 46”

  1. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Definitive journal of drugs and therapeutics.
    https://canadianfast.com/# sildenafil without a doctor’s prescription
    Everything about medicine. Best and news about drug.

  2. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Everything what you want to know about pills.
    https://canadianfast.com/# best canadian online pharmacy
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. All trends of medicament.

  3. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything information about medication.
    https://viagrapillsild.com/# sildenafil tablet online india
    п»їMedicament prescribing information. Definitive journal of drugs and therapeutics.

Comments are closed.