Mga laro sa Martes:
(Paco Arena)
2 p.m. – Perpetual vs PSP
4 p.m. – Wang’s-Letran vs CEU
TINAMBAKAN ng titleholder EcoOil-La Salle ang Wang’s Basketball @27 Striker-Letran, 102-79, upang kunin ang nalalabing outright semifinals berth sa PBA D-League Aspirants’ Cup kagabi sa Ynares Sports Arena.
Maagang nanalasa ang Green Archers, kumarera sa 21-7 kalamangan sa lay-up ni Kevin Quiambao sa kalagitnaan ng first period at hindi na lumingon pa upang tapusin ang kanilang elimination round campaign na may 5-1 record.
“We’re lucky to be in the semis. It’s about time to reward the boys for the hardwork they’re doing but it’s still part of the process,” sabi ni deputy mentor Gian Nazario.
“We know there will be ups and downs, swerte na nasa semis kami but we still have a lot of things to work on.”
Sinamahan ng EcoOil-DLSU ang Marinerong Pilipino-San Beda, na mayroon ding 5-1 kartada, sa semis. Nagtapos ang Red Lions, tinalo ang Green Archers, bilang No. 1 team sa eliminations.
Sa pagkatalo ay naputol ang three-game winning streak ng Knights.
Nagkasya ang Letran sa pagsalo sa University of Perpetual Help System Dalta at Centro Escolar University sa third hanggang fifth spots sa 3-3.
Nakopo ng Altas at Knights ang twice-to-beat quarterfinals incentives kontra Scorpions sa bisa ng vsuperior quotient. Ang Perpetual at Letran ay nasa third at fourth spots habang nagkasya ang CEU sa No. 5 slot.
Tumapos ang Philippine Sports Performance, ipinalasap sa Marinero-San Beda ang nag-iisang talo nito sa torneo, sa sixth sa 2-4.
Magsisimula ang quarters sa Martes sa Paco Arena, kung saan makakaharap ng Altas ang Gymers sa alas-2 ng hapon, na susundan ng 4 p.m. duel sa pagitan ng Knights at ng Scorpions.
Iskor:
EcoOil-DLSU (102) – Quiambao 28, Alao 10, M. Phillips 9, Nonoy 8, Escandor 7, Manuel 7, Nwankwo 6, Abadam 6, B. Phillips 5, Cortez 4, Macalalag 4, Estacio 4, Gollena 3, David 1.
Wang’s-Letran (79) – Reyson 21, Monje 16, Santos 14, Cuajao 7, Bojorcelo 6, Fajardo 5, Javillonar 4, Tolentino 3, Laquindanum 2, Go 1, Brillantes 0, Alarcon 0, Ariar 0, Guarino 0.
QS: 27-19, 55-34, 75-55, 102-79.