Mga laro bukas:
(Ynares Sports Arena)
2 p.m. – AMA Online vs Perpetual
4 p.m. – EcoOil-DLSU vs PSP
LUMAYO ang University of Perpetual Help System Dalta sa third period at hindi na lumingon pa tungo sa 93-82 debut win kontra Philippine Sports Performance sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena.
Nagpasabog ang Altas ng 32 points sa krusyal na third quarter run na naging tuntungan para sa 1-0 kartada sa seven-team D-League tilt.
“We really need this win kasi dito magsisimula ‘yung journey namin all throughout the year. Kumbaga, early warning samin and good thing, nanalo,” sabi ni Perpetual coach Myk Saguiguit, na personal na pinanood ang impresibong debut ng PSP kontra Marinerong Pilipino-San Beda para mag-scout.
Pinataob ng Gymers ang Red Lions, 94-92, via epic comeback win at nagbigay-daan ito para magplano ang Altas ng matagumpay na pag-atake, na naging posible sa 28-13 blast sa pagsisimula ng second half para sa 65-50 command.
Sa sumunod na laro ay kinamada ni Peter Alfaro ang game-winning triple at naitarak ng Marinero-San Beda ang 82-79 panalo kontra EcoOil-La Salle para makatabla sa kanilang biktima at ang PSP sa 1-1.
“The boys really wanted to win. Nakita naman sa effort and focus nila. Last game’s defeat was heartbreaking but I always tell them to move on. Next play na kami so ito ngayon, they showed that character,” sabi ni Red Lions coach Yuri Escueta.
Nagsalansan si Arthur Roque ng 27 points, 10 rebounds, 2 assists at 2 steals sa loob lamang 24 minutong paglalaro upang pangunahan ang balanseng atake ng Altas, na nakakuha rin ng 16 points kay Cyrus Nitura.
Nag-ambag sina skipper Jielo Razon at Carlo Ferreras ng tig-13 markers habang gumawa si Mark Omega ng 15 rebounds at 6 points.
Nanguna si Jacob Cortez para sa Marinero-San Beda na may 19 points habang nagdagdag si Yukien Andrada ng 18 points at 4 rebounds.
Iskor:
Unang laro:
Perpetual (93) – Roque 27, Nitura 16, Razon 13, Ferreras 13, Omega 6, Sevilla 6, Movida 3, Ramirez 3 Abis 2, Nunez 2, Pagaran 2, Barcoma 0, Flores 0, Boral 0.
PSP (82) – Dela Cruz 23, Acuña 16, Bayla 15, Yutuc 7, Gabriel 5, Dino 5, Olegario 3, Mohammad 2, Velchez 2, Soriano 2, Castillo 2.
QS: 22-16, 37-37, 69-56, 93-82.