PBA D-LEAGUE TAMPOK SA PSA FORUM

Pba-D League

MAGIGING sentro ng talakayan ang pagbabalik ng PBA D-League sa virtual session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes, Hulyo 5.

Pangungunahan ni PBA deputy commissioner Eric Castro ang mga panauhin na kinabibilangan din nina coaches Derrick Pumaren ng EcoOil-La Salle at Jino Manansala ng Adalem Construction-St. Clare kung saan tatalakayin nila ang Aspirants Cup na magbubukas sa Hulyo 7 sa Araneta Coliseum.

Ang D-League ay magbabalik matapos ang two-year absence dahil sa ­COVID-19 pandemic.

Ang 10:30 a.m. session ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, Unilever, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na ibinabahagi rin ito sa kanilang official Facebook page.