Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
1 p.m. – AMA Online Senior High vs APEX Fuel Mindanao-SSCR
3 p.m. – Builders Warehouse-UST vs TIP
5 p.m. – Family Mart-Enderun vs Seaoil-FEU
TUTUTUKAN ang Builders Warehouse-UST sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup laban sa Technological Institute of the Philippines ngayong araw.
Pangungunahan ni UAAP MVP Soulemane Chabi Yo ang Growling Tigers sa kanilang pagbabalik sa developmental ranks sa alas-3 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Halos buo pa ang lineup ni coach Aldin Ayo kung saan ipaparada rin niya sina UAAP Rookie of the Year Mark Nonoy at Rhenz Abando.
Sasalang din si CJ Cansino, hindi nakapaglaro noong nakaraang season dahil sa pagpapagaling sa ACL injury, sa kanyang PBA D-League debut, kasama ang mga rookie ng Growling Tigers.
Ipaparada naman ng Engineers ni coach Potit de Vera ang mapanganib na lineup, sa pangunguna nina Senegalese center Papa Ndiaye at forwards Bryan at Ivan Santos.
Samantala, pangungunahan ni RK Ilagan ang APEX Fuel Mindanao-SSCR sa pagsisimula ng kanilang kampanya kontra AMA Online Senior High.
Inaasahang pagbibidahan ng knockdown shooter ang rebuilding Golden Stags team na makakauha ng suporta kina JM Calma, Ken Villapando, Romel Calahat, at Jessie Sumoda.
“Challenge sa amin ito na makahanap ng bagong contributors na makakatulong kay RK,” sabi ni coach Egay Macaraya.
Comments are closed.