(PBA D-League) TOP SEED ANG SKIPPERS

Marinerong Pilipino

PINATAOB ng Marinerong Pilipino ang Centro Escolar University, 88-74, upang kunin ang top seed sa Group A sa 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Paco Arena sa Manila.

Nagbuhos si William McAloney ng 21 points at 7 rebounds para sa Skippers, na tinapos ang eliminations na may 6-0 kartada at makakaharap ang fourth-seed AMA Online Education sa quarterfinals na may twice-to-beat advantage.

Nag-ambag si Mark Yee ng 14 points, 8 rebounds, 3 assists, 2 blocks, at isang steal habang tumapos si fellow ex-pro Dan Sara na may 13 points, 5 rebounds at 3 assists para sa Marinerong Pilipino.

“Masarap ‘yung pakiramdam dahil ‘yung last game ng eliminations, nakuha namin,” wika ni coach Yong Garcia.

Tangan lamang ng Skippers ang four-point lead, 78-74, may 2:12 sa orasan, subalit bumanat si Sara ng four-point play mula sa ika-6 na foul ni Malick Diouf upang ilagay ang talaan sa 82-74, may 1:32 ang nalalabi.

Sa unang laro ay umabante ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa quarterfinals makaraang tambakan ang Italiano’s Homme ng 37 points, 138-101.

Kumana si  Malian slotman Mohammed Pare ng 16 points at 14 rebounds nang pangunahan niya ang atake ng Saints, na winalis ang elimimation round na may 6-0 record.

Iskor:

Unang laro:

BRT Sumisip-St.  Clare (138) — Lunor 16, Pare 16, Collado 14, Fontanilla 13, Dumapig 13, Hallare 11, Santos 11, Manacho 10, Decano 6, Tiquia 5, Palencia 5, Ng 5, Rubio 5, Penarendondo 4, Bautista 4.

Italiano’s Homme (101) — Pontejos 31, Munsayac 20, Bonsubre 17, Cenal 12, Roy 9, Racho 6, Villahermosa 6, Neypes 0, Cruz 0, Labastida 0, Monte 0, Colina 0.

QS: 29-18, 56-38, 94-57, 138-101.

Ikalawang laro:

Marinerong Pilipino (88)  — McAloney 21, Yee 14, Sara 13, Clarito 10, Poligrates 10, Diputado 7, Ilagan 5, Alabanza 4, Reverente 2, Rios 2, Solis 0, Arim 0, Jamon 0.

CEU (74)  — Sunga 17, Diouf 16, Guinitaran 14, Santos 7, Tuadles 7, Diaz 4, Escalona 3, Bernabe 2, De Ocampo 2, Murillo 2, Tagal 0.

QS: 21-22, 44-43, 58-59, 88-74.

Comments are closed.