SASALI na rin ang Philippine Basketball Association (PBA) sa giyera kontra ilegal na droga.
Nakipagsanib-puwersa ang liga sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang palakasin ang “Buhay Ingatan, Droga Ayawan” o “BIDA” campaign ng pamahalaan.
Noong Linggo ay opisyal na nilagdaan nina PBA Commissioner Willie Marcial at PBA Chairman Ricky Vargas ang partnership kay Interior Secretary Benhur Abalos sa Araneta Coliseum.
Ang anti-drug campaign ay nakatuon sa demand reduction, preventive measures, at intervention efforts.
Naniniwala si Abalos na ang mga PBA players ay maaaring maging mabuting ambassadors, lalo na sa kanilang malaking impluwensiya sa mga kabataan.
“Usually naka-focus ‘yung (drug) pushers sa mga bata ages 15-25,” sabi ni Abalos said.
“Halos lahat ng nanonood, lalo na mga bata, iniidolo natin ang ating mga players ng basketball. Whatever their idols do, susundin ng mga bata And for us, this kind of partnership will give us a big boost in our campaign,” dagdag pa niya.