PBA DRAFT APPLICANTS NADAGDAGAN PA

PBa

PATULOY na nadaragdagan ang mga nag-aaplay para sa Philippine Basketball Association (PBA) Draft na gaganapin sa Marso 14.

Ayon sa PBA, sa kasalukuyan ay umabot na sa 40 ang bilang ng mga opisyal na nag-aplay.

Tampok sa pinakahuling grupo ng applicants sina Alab Pilipinas players Andrei Caracut at Tzaddy Rangel.

Sinamahan sila ni Alab co-founder Charlie Dy, na siya ring agent nina Caracut at  Rangel, sa pagtungo sa PBA office sa Quezon City para isumite ang kanilang draft application kasama ang isa pang alaga ni Dy na si Jun-Jun Bonsubre.

Matapos ang matagumpay na National Collegiate Athletic Association (NCAA) juniors career sa San Beda-Taytay, si Caracut ay nagtungo sa La Salle para maglaro ng college ball, kung saan kalaunan ay binuo ang  explosive guard combo kay Aljun Melecio sa UAAP.

Samantala, si Rangel ay isa sa inside operators ng National University.

Kapwa ipinagpaliban nina Caracut at Rangel ang paglahok sa 2019 draft para hasain ang kanilang laro sa Alab para sa kanselado na ngayong 2019-2020 Asean Basketball League season.

Isang defensive bruiser sa kanyang college career, si Bonsubre ay kilala na bahagi ng  San Beda squad na ginulantang ang Arellano sa kabila na kulang sa tao sa kanilang bakbakan sa NCAA noong Hunyo 24, 2012.

Karamihan sa kanilang key players ay suspendido dahil sa preseason brawl, ang “Super 6” ng Red Lions na kinabilangan din ng ngayo’y PBA champ na si Arth Dela Cruz ay namayani sa buo ang lineup na Chiefs.

Si Bonsubre ay nagpakitang-gilas din sa Mandaluyong at Zamboanga sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Ang iba pang kilalang players na nag-aplay sa draft kamakailan ay sina Dhon Reverente, Ben Adamos, RR de Leon, Med Salim, at  Reymark Acuno.

Ang mga aspirant ay may hanggang Enero 27 para mag-aplay sa draft. CLYDE MARIANO

Comments are closed.