PBA DRAFT: TOP PICK SI MUNZON?

Joshua Munzon

INAASAHANG kukunin ng Terraffirma si Fil-Am player Joshua Munzon bilang top pick sa PBA Season 46 virtual draft exercise ngayong araw.

Matagal nang inanunsiyo ng mga opisyal at coach ng Terrafirma ang kanilang plano na ibigay kay Munzon ang karangalang maging top selection sa malalim at hitik sa talentong draft pool.

May kabuuang 86 players ang umaaasang mapipili sa 46th season ng annual draft ng liga simula sa alas-4 ng hapon sa TV5 Studio sa Mandaluyong.

Ang okasyon ay pangungunahan nina PBA commissioner Willie Marcial, board chairman Ricky Vargas, iba pang miyembro ng  PBA board at tig-isang coach at player representative mula sa 12 koponan.

Susundin ng mga aspirant ang proceeding via virtual platform.

Apat na players – Jordan Heading, Jaydee Tungcab, Tzaddy Rangel at William Navarro – ang inilagay sa special Gilas draft.

Matapos ang  Gilas draft ay isusunod ang regular draft.

Pangungunahan ng collegiate stars, Fil-foreign aspirants at ng ‘cream of the crop’ mula sa 3×3 ang listahan ng mga naghahangad na makapasok sa liga at makapaglaro sa Season 46 opener sa Abril.

Ang Terrafirma, NorthPort, NLEX, at TNT ang unang pipili sa draft, na susundan ng Rain or Shine, Alaska, Phoenix, Terrafirma, Meralco, Magnolia, NorthPort at  Ginebra.

Sa second round, ang pagkakasunod-sunod ay Ginebra, Blackwater, Blackwater, Alaska, Rain or Shine, Phoenix, Phoenix, NLEX, Alaska, Rain or Shine, Rain or Shine at  NorthPort.

Ang original order, base sa ipinakita ng mga koponan noong nakaraang season, ay Terrafirma, NorthPort, Blackwater, NLEX, ROS, Magnolia, Alaska, San Miguel Beer, Meralco, Phoenix, TNT at Ginebra. Dahil sa mga trade ay nagkaroon ng mga pagbabago. CLYDE MARIANO

37 thoughts on “PBA DRAFT: TOP PICK SI MUNZON?”

Comments are closed.