IPINAGPALIBAN ng Philippine Basketball Association ang lahat ng nakatakda nitong laro ngayong linggo hanggang walang anunsiyo ang Games and Amusements Board (GAB) na nagpapahintulot sa liga na ipagpatuloy ang torneo.
Nagpadala na ang liga ng liham sa GAB noong Lunes at umaasang makatatanggap ng tugon sa loob ng ilang araw.
Bukod sa GAB, kailangan din ng PBA ng pahintulot ng Local Government Units (LGUs) para maipagpatuloy ang mga laro.
“Should the GAB allow the PBA to go ahead, a nod from the LGUs are still needed before it could conduct the games,” ayon sa liga.
Ang pagsuspinde sa mga laro sa PBA ay kasunod ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 3 dahil sa biglang pagtataas sa mga kaso ng COVID-19 matapos ang Pasko.
Bago ang latest surge ng COVID-19 cases, ang PBA ay pinapayagan na sa 50% percent capacity crowd sa SMART Araneta Coliseum. Ang Christmas Day double header nito na nagtampok sa salpukan ng NLEX at Phoenix at ng Ginebra kontra Magnolia ay umakit ng 4,843 crowd. CLYDE MARIANO