IPINAHIWATIG ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanyang pag-apruba sa hosting ng lungsod sa PBA games, kabilang ang pagdaraos ng inaugural PBA 3×3 sa Ynares Sports Arena sa Nobyembre 20.
Ipinaalam ni Sotto ang kanyang pananaw sa contact sports sa kanilang lungsod sa isang mensahe sa kanyang mga constituent sa pamamagitan ng kanyang official Facebook account.
“Hinihingi ko po ang inyong kooperasyon: Bawal po muna ang contact sports (maliban kung may special permit, katulad ng PBA),” sabi ni Sotto.
“Tuloy na tuloy na ang 3×3. Wala pang official letter from the Mayor’s Office, but Mayor Vico has already expressed his approval on Facebook,” sabi ni PBA commissioner Willie Marcial.
Ang 3×3 ay nakatakda sa Nob. 20, subalit wala pang petsa ang opening day ng PBA Governors’ Cup dahil kinukumpleto pa ang imports roster.
“It’s a reinforced conference so dapat kumpleto ang imports. We’re a bit lenient on deadlines regarding the imports because of the situation we’re in right now,” ani Marcial.
“Because of the pandemic, may kahirapan ang proseso ng papers and there’s the quarantine protocol that the imports have to go through. Then, they have to practice first with their teams,” dagdag ni Marcial.
Sa monitoring ng PBA Commissioner’s Office, unang darating sa bansa ang reinforcements ng Alaska Milk Aces, NorthPort Batang Pier at San Miguel Beermen.
Ang imports na lalaro sa torneo ay sina Justin Brownlee (Ginebra), Mike Harris (Magnolia), Paul Harris (Phoenix), Henry Walker (Rain or Shine), Brendan Brown (San Miguel Beer), KJ McDaniels (NLEX), Olu Ashaoulu (Alaska), McKenzie Moore (TNT), Shabazz Muhammad (Meralco), Antonio Hester (Terrafirma), Jaylen Bond (Blackwater) at Cameron Forte (NorthPort).
Para sa PBA 3×3, 10 PBA regular teams at tatlong non-affiliates ang magbabakbakan sa six-leg, three-conference calendar na magtatapos sa tatlong grand finals kung saan ang leg winners ay tatanggap ng P100,000 at ang grand finals champs ay mag-uuwi ng P750,000. CLYDE MARIANO