LALAKAS na ang frontine ng Rain or Shine makaraang aprubahan ng PBA noong Miyerkoles ang pagkuha kay Bradwyn Guinto mula sa NorthPort.
Ang deal ay nagdala kina Sidney Onwubere at Clint Doliguez sa Batang Pier, habang si Guinto ay papunta sa kanyang ika-4 na PBA team magmula nang pumasok sa liga noong 2015.
Si Guinto ay may average na 2.2 points, 1.8 rebounds sa siyam na laro para sa NorthPort, na hindi naging maganda ang kampanya sa 2020 PBA Philippine Cup kung saan isang beses lamang itong nanalo sa 11 laro.
Samantala, ipinakita nina Doliguez at Onwubere na maaari silang makatulong sa Rain or Shine team na nakapasok sa quarterfinals bilang eighth seed.
Si Onwubere, first-round pick noong 2017, ay may average na 5.8 points at 3.4 rebounds per game, habang si rookie Doliguez ay may norm na 4.2 points at 1.2 rebounds.
Comments are closed.