PBA ON TOUR AARANGKADA NA

pba

LALARGA na ang PBA On Tour, ang special feature ng liga habang nakabakasyon ang regular calendar nito upang bigyangdaan ang paghahan- da ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup, ngayong Linggo sa Caloocan Sports Complex sa Bagum- bong, Caloocan.

Maghaharap ang NLEX at Blackwater sa nag-iisang laro sa alas5 ng hapon.

Masusulyapan ang progreso ng NLEX’ matapos ang isang conference sa ilalim ni coach Frankie Lim at ang preview sa maaasa- han sa Blackwater sa ilalim ni debuting coach Jeffrey Cariaso.

Ang dalawang koponan ay kapwa magpaparada ng dat- ing lineups sa presea- son series na ito kung saan ang mga koponan ay magsasalpukan sa round-robin play na walang playoffs at championship series.

Ang Road Warriors ay nasa middle-ofthe-pack team noong nakaraang season, pumang-anim sa elims ng Philippine Cup at Gov-rnors’ Cup, at pang-si- yam sa Commissioner’s Cup.

Samantala, ang Bossing ay nakaabot sa playoffs sa All-Filipino pagkatapos ay maagang nasibak sa dalawang reinforced tourneys dahil sa injuries ng key players.

Ang dalawang koponan ay naghahangad na bumuo ng chemistry at fluidity sa ilalim ng sistema ng kanilang mga bagong coach.

Sa paghalili kay Ariel Vanguardia, minana ni Cariaso ang crew na pinangungunahan nina heady guards JV Casio, Baser Amer at Rashawn McCarthy.

Pamumunuan pa rin nina Casio, Amer at McCarthy ang roster na kinabibilangan nina RK Ilagan, Mike Digregorio, Rey Suerte, Renato Ular, James Sena, Troy Rosario, Tyrus Hill, Richard Escoto, Mike Ayonayon, Rey Publico, Joshua Torralba, Yousef Taha at Gab Banal.

Sa kanyang panig, sasandal si Lim kina Kevin Alas, Don Trollano, Sean Anthony at SEA Games gold medal-winning player Brandon GanuelasRosser.

Nasa lineup din sina Tzaddy Rangel, Reden Celda, Mike Mi- randa, Clint Doliguez, Kris Rosales, Philip Paniamogan, Matt Nieto, Dominic Fajardo, Hesed Gabo, Bong Galanza at Anthony Semerad kasama si super veteran Asi Taulava.

-CLYDE MARIANO