BUMANDERA si TNT Tropang Giga swingman Ray-Ray Parks sa statistical points race para sa PBA Philippine Cup Best Player of the Conference (BPC) award.
Si Parks, hindi nakapaglaro sa huling tatlong games ng championship series ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra dahil sa calf injury ay nakalikom ng average na 38.2 statistical points, malayo sa 37.1 na naitala ni Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters.
Pumangatlo si CJ Perez ng Terrafirma na may 35.7, sumusunod sina Phoenix gunner Matthew Wright (35.65) at Roger Pogoy (35.64) ng TnT.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ang BPC at hindi ang Most Valuable Player award ang igagawad sa isang special rite na idaraos sa Enero.
Tatlong Ginebra players ang nakapasok sa Top 10.
Si Stanley Pringle ay nasa ika-6 na puwesto na may 34.8 statistical points, habang si Japeth Aguilar ay ika-8 na may 32.9, at ika-9 si Scottie Thompson na may 32.8.
Ang iba pang bumubuo sa Top 10 ay sina Chris Standhardinger ng NorthPort (seventh na may 34.6 statistical points) at Jason Perkins ng Phoenix (10th na may 32.7).
Samantala, nanatiling top rookie si Roosevelt Adam ng Dyip na may 20.3 statistical points, subalit may habol pa sina Meralco Bolt Aaron Black (second na may 17.3) at Arvin Tolentino ng Ginebra (fifth na may 15.5) sa Rookie of the Year award makaraang maglaro sa playoffs ang kani-kanilang koponan. CLYDE MARIANO
Comments are closed.