PBA PLAYER, MISIS TOGETHER AGAIN

on the spot- pilipino mirror

SA UNANG pagkakataon ay ngayon lamang nagdiwang ng Christmas si Ginebra import Justine Brownlee sa Filipinas. Noon pa niya inaasam na maranasan na makapag-Christmas dito sa bansa at nagkaroon na rin ito ng katuparan dahil sa  paghahanda sa champi-onship game na magsisimula sa Jan. 8, 2020.  Aliw na aliw  si Brownlee sa mga nanga­ngaroling, mga gift na natanggap niya mula sa kanyang teammates at fans. Lalong masisiyahan si Justine sa New Year’s eve natin dahil kakaiba ito sa pagdiriwang nila ng Bagong Taon sa kanilang bansa kung saan sa atin ay may halong pagmahahal.



Iba naman ang pinaghahandaan ni NorthPort Batang Pier player Garvo Lanete, ang pagpapakasal sa kanyang fiancée na si Ms. Shelby Pearl sa June 2020. Nagkakilala ang dalawa sa isang beach sa La union. Simple and pretty si Shelby at  inlababo ang dalawa sa isa’t isa. Isang teacher si Pearl sa ibang bansa, at volunteer siya rito sa FIlipinas. Very supportive ito kay Lanete na kada laro ay nanonood ang girl. Hoping na magtagal ang relasyon  ng dalawa bagama’t mahirap ang kanilang kalagayan na long distance affair. Bagay naman ang da­lawa, kaya congrats, Garvo at Shelby.



Binabati natin si Gary David dahil mayroon na itong anak na lalaki na susunod sa kanyang mga yapak. Tuwang-tuwa si Gary sa pagdating ng kanyang junior. Kamakailan lang ay three months na si baby Gary, Jr. Very inspired ang  ex-PBA player sa pagkakaroon ng anak na lalaki. Very busy si David sa pagsama-sama sa mga laro ng PBA Legends.



Hanggang ngayon ay single pa rin ang player na ito. Mula nang magkahiwalay sila ng kanyang nobya ay wala pa itong nakakarelasyon. Hindi kaya nagkaroon ng phobia ang player dahil nga nahuli nito ang dating GF na may kulakadidang. In love naman si player sa ex-GF pero bakit nagawa nitong lokohin  ang basketbolista. Nanligaw ang player sa iba pero nabasted naman.  Nagkabalikan sila ng ex-GF pero kalaunan ay nagkahiwalay rin muli sila. Wish namin kay player, sana matagpuan na niya ‘yung babaeng magi­ging tapat sa kanya at mamahalin siya nito at hindi ang kanyang pagiging sikat at ang kanyang pera.



Balikan blues naman ang player at ang kanyang misis kahit pa nagpalitan sila ng  maaanghang na salita  noong magkahiwalay sila. Happy ang mga anak nila sa  muli nilang pagsasama. Kahit pa nagdemandahan sila ay together again sila dahil mahal talaga nila ang isa’t isa. Sana ay mapagod na ang dalawa sa away at bati para masaya ang mga taong  nakapaligid sa kanila.



Isa pang balikan blues ang player at ang kanyang dyowa . Nagtiis din ang wife ni player dahil nagkaroon ng babae ang mama. Katunayan, dinisplay pa ni player ang GF sa kada laro ng team. Kasal ang basketbolista sa kanyang asawa kaya siguro nagising din Ito sa katotohanan. Saka naniniwala si player na suwerte sa kanya ang kanyang waswit. Ramdam siguro ng basketbolista na mula nang magkahiwalay sila ng misis ay nagkaroon ng kaunting kamalasan ang kanyang career. Nung magkabalikan sila ay may suwerteng nangyari sa career niya kung saan nakasama siya sa GILAS team. Congrats.