DETERMINADO ang NLEX Road Warriors na makamit ang isang espesyal na bagay sa isang natatangjng kaganapan na maaaring hindi na muling mangyari sa kanilang buhay.
Pumasok sa PBA Clark bubble noong Martes, sinabi ni NLEX coach Yeng Guiao na target nilang gumawa ng marka, at kumpiyansa sila sa kanilang kampanya sa mental at physical preparation na kanilang isinagawa.
“We’re very excited and we’re expecting a good performance,” sabi ni Guiao.
“The team has been preparing hard despite the limited practices we’re doing. Preparation is key to success; that’s one of our principles,” dagdag ni Guiao.
Pangungunahan nina young guards Kiefer Ravena at Kevin Alas, returning center Mike Miranda at veterans JR Quinahan, Jericho Cruz at Asi Taulava ang NLEX squad na determinadong bumawi mula sa hindi magandang karanasan sa nakaraang conference kung saan bumandera sila sa eliminations subalit nasayang ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals laban sa eighth seed NorthPort.
Para kay Guiao, nakahanda silang bumawi sa bubble.
“Ngayon lang mangyayari ito. Baka ito ‘yung una at huling pangyayari na ganito. Kailangan may marka o magmarka sa experience na ito,” aniya.
Isa itong makasaysayang pangyayari kung saan sisikapin ng lahat na manaig sa kumpetiyon at sa COVID-19.
At humihingi si Guiao ng panalangin para sa ikatatagumpay ng torneo.
“We’re asking all our supporters, fans, NLEX Road Warriors supporters, empleyado, kaibigan, lahat ng puwedeng sumuporta, sana ipagdasal ninyo kami. Sana maging successful this one and only tournament for this year,” sabi ni Guiao.
‘Sana lahat ng PBA fans na matagal nainip ay mag-enjoy sa mga parating na laro. Sundan natin at sana lahat ay maging safe. Ingatan natin ang sarili natin at katawan natin,” dagdag pa niya. CLYDE MARIANO
Comments are closed.