PBA TEAMS PUWEDE NANG MAG-ENSAYO SA METRO MANILA

Willie Marcial

PINAYAGAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga koponan na mag-ensayo sa Metro Manila kasunod ng pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) Plus sa heightened general community quarantine (GCQ) simula ngayong araw.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, ang mga koponan na nais magsagawa ng training at scrimmages sa Metro Manila ay papayagan basta kumuha lamang ng permit mula sa kani-kanilang local government unit (LGU).

Gayundin ay kailangan nilang kumpletuhin ang lahat ng protocols, kabilang ang dalawang swab tests bago ang simula ng kanilang training.

“They should send a letter to their LGU and the LGU should grant them permits first before they could start practicing,” ani Marcial.

“Also, they should still complete all the protocols. After all these, they can start with their training.”

May ilang koponan ang mag-eensayo sa Batangas, partikular sa Batangas City Coliseum, Batangas State University at Lyceum of the Philippines University, habang ang iba ay sa Ilocos Norte.

Gayunman, sa pagluluwag ng quarantine sa GCQ, plano ng San Miguel Beer, Magnolia at Phoenix na manatili na lamang sa Manila sa kanilang paghahanda para sa Season 46 sa Hunyo.

Sinabi ni Beermen head coach Leo Austria na mas makabubuting mag-ensayo na lamang sa kanilang nakagawiang venue sa Acropolis Gym sa Mandaluyong dahil mas mabilis ang biyahe at mababawasan ang tsansa na mahawahan ng virus.

“The players, if they really have the choice, would want to stay here in Manila for the practices and good thing that the government has eased the quarantine measures,” sabi ni Austria.

513 thoughts on “PBA TEAMS PUWEDE NANG MAG-ENSAYO SA METRO MANILA”

  1. Pingback: 2arranged
  2. [url=https://medrxfast.com/#]buy prescription drugs online[/url] anti fungal pills without prescription

Leave a Reply

Your email address will not be published.