PBA TEAMS PUWEDE NANG MAG-PRACTICE SA GCQ, MGCQ AREAS

Presidential Spokesman Harry Roque

PINAGBIGYAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kahilingan ng Philippine Basketball Association na magsagawa ng scrimmages at team practice sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community.

Gayunman ay kailangang sumunod ng mga PBA team sa health at safety protocols na itatakda ng pamahalaan.

“Pinayagan ng IATF ang mga scrimmages at practices ng Philippine Basketball Association sa mga lugar na general community quarantine at MGCQ subject to the health and safety protocols na pag-aaralan muna ng Games and Amusement Board,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang virtual media briefing kahapon.

Pumayag na ang Batangas City local government na i-host ang training ng PBA teams.

Ang Batangas ay nasa ilalim ng GCQ hanggang  Mayo 31.

Ikinatuwa naman ng PBA ang kaganapan at higit itong naging kumpiyansa na makapagbubukas an Season 46 ng liga sa Hunyo.

“We’re looking at a month of practices. Mid-June baka puwede na tayong mag-start ng season. And yes, we’re still on target for a two-conference calendar for Season 46,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial.

“May mga ika-clarify pa tayo sa approval. May mga aalamin pa tayo, pero nagpapasalamat na tayo ngayon pa lang sa approval,” dagdag ni Marcial, at binanggit sina Sen. Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea, kung saan nila ipinadaan ang apela ng liga sa pamahalaan. CLYDE MARIANO

468 thoughts on “PBA TEAMS PUWEDE NANG MAG-PRACTICE SA GCQ, MGCQ AREAS”

Leave a Reply

Your email address will not be published.