PBA: TOP INDIVIDUAL PERFORMERS SA ‘BUBBLE‘ PARARANGALAN

Pba

PAPAGITNA ang mga top performer ng nag-iisang conference ng PBA 45th Season —ang Philippine Cup sa idaraos na kauna-unahang virtual Special Awards Night ngayong Linggo.

Ang special rites na ipapalabas nang live mula sa TV5 studio sa Mandaluyong City ay magsisimula sa alas-6 ng gabi kung saan pararangalan ang mga pinaka-nagningning sa katatapos na Clark bubble play kung saan nagkampeon ang Barangay Ginebra Kings.

Tampok sa okasyon ang paggagawad ng Best Player of the Conference (BPC) award.

Naglalaban-laban para sa BPC honor  sina Barangay Ginebra’s Stanley Pringle, Matthew Wright at Calvin Abueva ng Phoenix, TnT duo nina Roger Pogoy at Ray Parks Jr., at Terrafirma’s CJ Perez.

Samantala, kandidato naman para sa Outstanding Rookie award sina Aaron Black ng Meralco, Barangay Ginebra’s Arvin Tolentino, Barkley Ebona ng Alaska, Magnolia’s Aris Dionisio, at  Roosevelt Adams ng Terrafirma.

Sa inaasahang mahigpit na labanan para sa Most Improved Player award, ang mga contender ay sina Justin Chua ng Phoenix, Jason Perkins ng Phoenix, Prince Caperal ng Barangay Ginebra, Reynel Hugnatan ng Meralco, Raul Soyud ng NLEX, at Javee Mocon ng Rain or Shine.

Ang Samboy Lim Sportsmanship award ay pag-aagawan naman nina Scottie Thompson ng Barangay Ginebra, Rain or Shine’s Gabe Norwood, Kevin Alas ng NLEX, CJ Perez ng Terrafirma, at Phoenix’s Calvin Abueva.

Igagawad din ang Outstanding/Elite Five award. CLYDE MARIANO

8 thoughts on “PBA: TOP INDIVIDUAL PERFORMERS SA ‘BUBBLE‘ PARARANGALAN”

  1. 679214 944662Maximize your by how a large amount of gear are employed internationally and will often impart numerous memory utilizing that your is also fighting that is a result from our team rrnside the twenty very first centuries. everyday deal livingsocial discount baltimore washington 654399

Leave a Reply

Your email address will not be published.