PBA ‘WAR’ SISIKLAB NA (Beermen vs Road Warriors; Batang Pier vs Aces)

Mga laro ngayon:

Ynares Sports Arena -Pasig

3 p.m. – Alaska vs NorthPort

6 p.m. – NLEX vs San Miguel

MULA sa three-conference slump ay sisimulan ng San Miguel Beer ang kampanya nito na makabawi sa pagsagupa sa NLEX sa main game ng opening ng Season 46 PBA Governors’ Cup ngayong araw sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ipaparada ng Philippine Cup five-peat champs sina bagong recruits Vic Manuel at Simon Enciso, kasama si import Brandon Brown, target na matikas na simulan ang kanilang kampanya sa 2nd conderence ng liga.

Sa kabilang dulo ay ang NLEX side na nagkaroon din ng pagbabago sa kanilang lineup at ibabandera si dating TNT import KJ McDaniels.

Ang SMB-NLEX face-off sa alas-6 ng gabi ay inaasahang magbibigay sa torneo ng eksplosibong simula.

“For sure, all of us prepared well for this season resumption, and we’re all excited to return to play. I expect a tough match,”  pahayag ni San Miguel coach Leo Austria.

Pinalitan nina Manuel at  Enciso sa SMB sina Arwind Santos at Alex Cabagnot.

“We value our relationship with Arwind and Alex, and we’re grateful to them but there comes a time that we need to move on and focus on the talent that we have right now.

We need to nurture and find a way to make our new gems complement the team,” sabi ni San Miguel team manager Gee Abanilla.

“We lose some, we gain some. Different pieces, different strengths and weaknesses. Now is the challenge for the coaching staff to make them jell as a unit and with Brandon’s addition, we can hide those temporary weaknesses until we fully accept what kind of team we want to be,” dagdag ni Abanilla.

Si Brown, 36, ay hindi na bago sa PBA kung saan naglaro siya para sa Phoenix noong 2017 bilang kapalit ni Eugene Phelps. May average siya na 34.8 points sa anim na laro.

Gayunman, ang higit na impresibo ay si McDaniels sa kanyang tour of duty sa Tropang Giga noong 2019 kung saan nagtala siya ng averages na 35.5 points, 13.5 rebounds, 4.4 assists at 1.4 steals sa paggiya sa lTNT sa semifinal finish.

“With KJ’s presence, with our new guys and with the rest of the guys, we feel we have the players to complement one another and I think we can get to the semifinals,” wika ni NLEX coach Yeng Guiao.

Sa patuloy na pagkawala ni Kiefer Ravena at ng pag-alis ni  Poy Erram, ibinalik ng Road Warriors sina Marion Magat at enlisted Kris Rosales.

Nariyan din si Asi Taulava na balik sa paglalaro sa edad na age 48 bilang NLEX frontline.

Sa unang laro sa alas-3 ng hapon ay magkakasubukan ang NorthPort na ibabandera ang kanilang import na si Cameron Forte, at  Alaska na tatrangkuhan ni Olu Ashaolu.