PBAPC PLAYER OF THE WEEK SI PEREZ

CJ PEREZ

ISANG panalo na lamang ang kailangan ng San Miguel para makabalik sa PBA Philippine Cup semifinals, at malaki ang naitulong ng isang neophyte para makadikit ang koponan sa susunod na round.

Naglalaro sa kanyang unang conference sa Beermen, hindi binigo ni quick-fire guard CJ Perez ang kanyang mga kasamahan at nagsilbing tahimik ngunit nakamamatay na operator para sa muling pagkabuhay ng koponan makaraang mahubaran ng korona sa Clark bubble noong nakaraang season.

Si Perez, ang two-time scoring champ mula sa Terrafirma, ay may average na 17.0 points sa 44 percent clip mula sa three point area,  6.0 rebounds, 2.5 assists, at 2.0 steals sa huling dalawang panalo ng Beermen, na nagtapos sa likod ng game-winners nina veterans Marcio Lassiter at Alex Cabagnot.

Dahil sa kanyang steady numbers, si Perez, tubong Pangasinan, ay napiling Cignal Play–PBA Press Corps Player of the Week para sa Sept. 22-26 period.

Si Perez ay nasa kanyang unang playoffs appearance magmula nang maging top pick sa 2018 draft.

Ang third-year pro ay naging top scorer sa 101-100 panalo ng San Miguel kontra Alaska na may  20 points, 6 rebounds, 4?steals, at 3 assists, kabilang ang clutch corner swing pass kay Lassiter para sa game-winning trey.

Ang panalo ay nagselyo sa puwesto ng Beermen sa upper bracket ng standings sa No. 4.

Sa kapana-panabik na 88-87 panalo ng Beermen sa Game 1 ng playoffs kontra fifth seed NorthPort sa likod ng clutch game-winner ni Cabagnot, si Perez ay kumana ng 14 points, 6 rebounds, at 2 assists.

Tinalo ni Perez sa weekly honor sina teammates Mo Tautuaa, six-time MVP June Mar Fajardo, at Chris Ross, Meralco’s Mac Belo, Alvin Pasaol, Allein Maliksi, at Bong Quinto.

10 thoughts on “PBAPC PLAYER OF THE WEEK SI PEREZ”

  1. 496793 680096Beneficial data. Fortunate me I discovered your internet web site by chance, and Im surprised why this twist of fate didnt happened earlier! I bookmarked it. 401862

Comments are closed.