PARKS UNGOS KAY PEREZ

ray parks

NARAMDAMAN na agad ang epekto ni Ray Parks, Jr. sa sandaling maglaro siya para sa Blackwater Elite sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ang 26-anyos na si Parks ay agad na naging No. 1 option ng Elite, at pinangunahan ang bagitong koponan sa tatlong panalo sa kanilang ­unang apat na laro.

Sa nasabing stretch, si Parks ay may average na 23.5 points, 4.8 rebounds, 3.3 assists, at 1.8 steals. Nagpasiklab siya sa kanilang ikalawang laro kontra Ginebra, sa pagkamada ng 28 points sa kapana-panabik na 108-107 overtime win laban sa defending champions sa ikalawang laro pa lamang niya sa PBA.

Ang ipinamalas ni Parks ay nagbigay sa kanya ng kanyang ­unang PBA Press Corps Rookie of the Month citation, kung saan na­ungusan niya si CJ Perez ng Columbian para sa buwan ng Mayo.

Si Perez, ang top pick sa 2018 PBA Rookie Draft,  ay may average na 24.3 points, 6.0 rebounds, at 2.0 assists para sa Dyip noong nakaraang buwan.

Si Parks, anak ni late, great PBA import Bobby Parks, ay ikatlong player na nagwagi ng naturang award na unang ipinagkaloob ngayong season. Ang unang dalawa ay sina Perez (Enero at Pebrero) at Javee Mocon ng Rain or Shine (Pebrero at Marso).

Namayani rin si Parks sa kanyang unang match-up kay Perez, kung saan nagbuhos siya ng 23 points, 5 rebounds, at 5 assists sa 118-110 panalo ng Elite laban sa Dyip noong nakaraang Mayo 26.  Si Perez ay tumipa ng 17 points at 7 re-bounds sa nasabing laro.

Comments are closed.