INAANYAYAHAN ng PBA Press Corps ang mga eskuwelahan sa Metro Manila na lumahok sa sportswriting contest nito, isang proyekto na bubuhayin ng grupo sa Nobyembre 22.
Ang limitadong slots ay available sa ‘first come, first served’ basis para sa college at senior high students. Ang bawat eskuwelahan ay maaaring magpasok ng dalawang writers at isang photographer.
Ang pagbabago na isama ang photographer sa unang pagkakataon ay kaugnay sa 25th anniversary celebration ng kumpetisyon na unang idinaos noong 1994.
Ang mga kalahok ay kinakailangang magsumite ng valid school IDs at dapat na bonafide member/staff ng kani-kanilang school publication.
Tatanggap ng cash prizes ang mga mananalo, habang isang maikling seminar ang isasagawa bago ang contest proper.
Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan lamang kay Ms. Hazel Ancheta ng PBA office (0956-8717835) o kay Gerry Ramos ng PBAPC (0915-2034869).
Comments are closed.