MULA sa malaking premyong napanalunan bilang grand winner sa Pinoy Big Brother Otso ay nakapagpatayo na ng sarili niyang bakery na Yamitos Bakeshop:Tinapay ang ang komedyanteng si Yam Yam na regular na napanonood sa Home Sweetie Home bilang ka-tandem ng Hapong si Fumiya. At dahil may career sa showbiz, ay ipinamahala ni Yam Yam sa kanyang pamilya ang kanyang bakeshop na may ilang staff. Wish ng baguhang komedyante(Yam Yam) na mag-expand ang kanyang first business venture at magkaroon ito ng branch hindi lang sa Bohol kundi sa Manila.
Samantala maliban sa nabanggit na negosyo ay naibili na rin ni Yam Yam ng gamit sa farm ang kanyang ama na pagsasaka ang ikinabubuhay.
Maraming pinagdaanang pagsubok ang Kapamilya actor bago niya naabot ang kinalalagyan niya ngayon. Dahil sa kakapusan sa pera sa edad na 17 ay tumigil siya sa pag-aaral at kung ano-anong klaseng trabaho ang pinasok sa Cebu, tulad ng water delivery boy at construction worker.
Ngayon maliban sa may negosyo ay nakatira na si Yam Yam sa condo at may sasakyan na kasamang napanalunan sa PBB Otso.
GMA TUMUPAD SA PANGAKO KAY MANAY CELIA RODRIGUEZ, PASOK SA TELESERYE
MATAGAL nang shelved ang “Rosang Agimat” na pagbibidahan sana ni Gabbi Garcia na ididirek ni Toto Natividad. Tulad ng pangako ng GMA na bibigyan nila ng bagong project ang lead cast ng seryeng ito ay kanilang tinupad.
Isa sa nabigyan ng trabaho ngayong 2020 ay ang multi-awarded veteran actress na si Manay Celia Rodriguez na magiging parte ng big cast ng “Anak Ni Waray, Anak Ni Biday” na soon ay mapanonood na sa GMA Telebabad.
Well, siguro kaya natagalan bago nabigyan ng teleserye si Manay Celia dahil hinanapan pa siya ng role na babagay sa kanya at tulad ng mga naunang teleserye ay bongga siyempre ulit ang character na gagampanan dito ng amiga naming actress.
Muli niyang makakatrabaho rito sa Anak Ni Waray, Anak Ni Biday ang dalawang bigating actress na sina Snooky Serna at Dina Bonnevie na madalas niyang makasama noon sa mga pelikula nila sa Regal Films. Kapag pinag-usapan pala ang Rosang Agimat, ay hindi makalimutan ni Manay Celia si Eddie Garcia. Ikinalungkot nito ang nangyari kay Manoy Eddie na namaalam sa mundo last year.
“PRIZES ALL THE WAY” GOES TO CEBU CITY
NAKAABOT na sa Barangay Kamputhaw, Cebu City ang isa sa patok ng game contest sa Eat Bulaga na “Prizes All The Way.” Yes, dahil Fiesta ng Sinulog ay ang mga kababayan natin sa Cebu ang pinasaya nina Wally Bayola, Echo at DJ Malaya sa pamamagitan ng iba’t-ibang malalaking premyong bitbit nila na nasa tatlong box, na maswerteng nabuksan ang kandado ng Bisayang dabarkads.
Abangan ang sorpresang hatid nina Wally sa Prizes All The Way sa Cebu. Siguradong kung ano man ito ay ikatutuwa ito ng mapipiling maglalaro para buksan ng hawak na susi ang premyong pwede niyang mapanalunan. Araw-araw ang pamimigay ng premyo sa Prizes All The Way, at Masaya ang lahat ng mga nanalong dabarkads.
Comments are closed.