TAMPOK sa pagdiriwang ng National Heroes Day na may temang: “Karangalan, Katungkulan, Kabayanihan” ang ginanap na wreath-laying ceremony na pinangunahan kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Commander in Chief President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at chief of Staff General Romeo Brawner.
Mismong si Pangulong Marcos at Brawner ang nanguna, sa pag aalay ng bulaklak sa Tomb of the Unknown Soldier sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City bilang pagbibigay pugay sa mga Pilipinong inilaan ang kanilang buhay sa paglilingkod sa bayan.
“Led by the AFP Chief of Staff General Romeo S Brawner Jr PA, our soldiers came together to pay tribute to our noble heroes whose steadfast dedication and selfless sacrifice have left an enduring imprint on the history of the country,” ani Col Rookie Ileto, AFP Public Information Office chief.
“Heroes’ Legacy” naman ang tema ng pagpupugay ng Philippine Army sa pangunguna ng Western Mindanao Command, kasama ang mga tauhan ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central.
Nanguna rito si Major General Alex S. Rillera, pinuno ng 6ID at JTF Central, kung saan ang araw na ito ay kasabay ng pagsisimula ng panahon ng halalan.
Dahil dito, binigyang-diin niya na pinaiigting ng AFP, Philippine National Police (PNP) at iba pang security forces ang kanilang security measures para matiyak ang ligtas na kapaligiran.
VERLIN RUIZ