PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Armed Forces chief of Staff General Romeo Brawner ang paggunita ng National Heroes Day na tinampukan ng pag-aalay ng bulaklak sa tomb of the unknown soldier sa Libingan ng mga bayani kahapon.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon, “Kabayanihan ng Pilipino sa Panahon ng Pagbabago” kung saan nagbigay-pugay ang AFP sa kagitingan at sakripisyo ng mga bayani ng bansa.
Matapos ang flag-raising ceremony ay sinundan ito ng wreath-laying ceremony, kung binigyang papuri nina President Marcos Jr., kasama si Gen. Brawner ang mga taong nag alay ng kanilang buhay sa paglilingkod sa bayan bilang simbolo naman ng pagkilala at pasasalamat ng sambayanan sa kanilang kabayanihan.
Sa kanyang mensahe binigyang diin ng Pangulo ang hindi malilimutang alaala ng mga bayaning Pilipino ang kahalagahan ng pananatili ng kanilang values of courage and selflessness.
“Our heroes’ stories of courage, resilience, and patriotism bear even greater significance now that we are on the journey to becoming a truly revitalized and united nation. In honoring our heroes, we affirm as our own the values, virtues, and ideals they stood for,” ani PBBM.
Sa naturang seremonya, bukod sa mga yumaong sundalo at pulis na ang alay ng kanilang buhay ay kinilala ni Pangulong Marcos ang kontribusyon ng mga unsung heroes sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng bansa.
Partikular dito ang mga magsasaka, manggagawa na nagpapasigla ng ekonomiya, at mga gurong nag huhulma ng isipan ng mga kabataan.
Binigyang pugay rin ng Pangulo ang health workers na nagliligtas ng buhay at tumutugon sa pangangailangan ng publiko.
Nanawagan ang Pangulo na huwag kalimutan ang mga nakipaglaban para makamit ang kalayaang. Ang kanilang hindi matatawarang katapangan at dedikasyon aniya ang naging daan para sa kalayaan at kaunlarang ating tinatamasa sa kasalukuyan.
Hinimok nito ang publiko na gawing inspirasyon ang ating mga ninuno sa pagsusulong ng Bagong Pilipinas.
VERLIN RUIZ