PBBM AGAD NA NAKIPAGPULONG SA CHAIR NG NATIONAL PEOPLE’S CONGRESS

AGAD na pinasimulan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang official activities sa pangalawang araw ng State Visit sa People’s Republic of China.

Ayon sa ulat na ibinahagi ng China Foreign Ministry sa pamamagitan ng Chinese Embassy sa Manila, nagsimula ang official function sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay Li Zhanshu, Chairman ng Standing Committee of the National People’s Congress, kahapon Enero 4, 2023.

Nabatid na ang National People’s Congress ay katumbas ng Philippine Legislature.

Tampok sa welcome statement ni Marcos ang magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa na nagsimula bago pa itinatag ang diplomatic relations ng China at Pilipinas may 47 taon na ang nakaraan.

Kasunod ito ng pagtiyak na magpapatuloy pa ang magandang relasyon ng dalawang bansa habang binabalangkas pa ang mga bagong areas of engagement sa post-pandemic economic recovery.

Nagpahayag din ng paniniwala ang Pangulo na magbubukas ng mga bagong oportunidad ang kanyang 3- day state visit para itaas ang antas ng relasyon ng dalawang bansa.

“I have always stated that the partnerships between them in the next few years will be partnerships that will stabilize and strengthen all our economies so that we are able to face challenges and the different shocks that we are now beginning to feel and will continue to feel in the next few years,” ani Marcos. VERLIN RUIZ