“WE ARE YOUR PARTNERS, WE ARE YOUR ALLIES, WE ARE YOUR FRIENDS”

NEW YORK, USA- NAGKAHARAP na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden sa sidelines ng 77th United Nations General Assembly.

Muling binati ni Biden si Marcos sa kanyang pagkapanalo bilang ika-17 presidente ng Pilipinas gayundin sa kanyang pagharap sa COVID-19 pandemic habang tiniyak ang malakas na relasyon ng dalawang bansa.

Umaasa si Biden na matatalakay nila ni Pangulong Marcos sa naturang paghaharap ang mga oportunidad sa mas malawak na usapin kabilang na rin ang COVID-19 recovery, energy security at renewable energy.

“ I was impressed with the work you did on windmills and a whole range of things. You and I both think we can do a lot together. I’m desperately interested in making sure we do,” sabi ni Biden.

Pinasalamatan din ni Biden ang posisyon ng Pilipinas sa Russia-Ukraine war at nabanggit din ang South China Sea, security relationships ng dalawang bansa at ang global economy.

“And so we want to talk about human rights- seberal whole range ofnthings. But I’m mainly interested to know what’s on your kind and how we can continue to strengthen this relationship,” dagdag pa ni Biden.

Taos-puso namang nagpasalamat si Pangulong Marcos kay Biden sa pagbibigay ng oras nito para magkaroon sila ng pag-uusap at nagpasalamat din na naging kaagapay ng Filipino sa kasagsagan ng pandemya kung saan nag-donate ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Pangulong Marcos kay Biden na kanyang kinikilala ang mahigit 100 taong pakikipagkaibigan ng dalawang bansa kaya naman makatitiyak ng malakas na relasyon pang seguridad at ekonomiya.

“The 100-plus-year-old relationship between the Philippines and the US continues to evolve as we face the challenges of this new century… maintaining peace despite all the complexities that have arisen in the past few months. So, thank you again, Mr. President, for making time to see us,” ayon kay Marcos.

Tiniyak din ni Marcos kay Biden na katuwang ng Pilipinas ang Amerika habang kinikilala ang mga naging tulong nito para mapanatili ang seguridad at kapayapaan.

“We are your partners, we are your allies, we are your friends. And in like fashion, we have always considered the United States our partner, our ally and our friend,” dagdag pa ni Marcos. EVELYN QUIROZ