MULING tutulak sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ito ay para sa Trilateral Summit na gaganapin sa Washington DC sa Abril.
Layon ng pulong na isulong ang isang agenda sa dalawang bansa kung saan ang Pilipinas ay may mahalagang strategic defense, security, at economic interests.
Ang summit ay magiging isang milestone na pagkakataon upang muling pagtibayin ang matatag na alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, at ang strategic partnership nito sa Japan.
Kabilang naman sa mga tatalakayin ay mula sa maritime cooperation hanggang sa pagpapaunlad ng impraestruktura, economic resiliency, kalakalan at pamumuhunan, clean energy at klima, gayundin ang cyber security at digital economy at iba pa.
Tinawag ni US Secretary of State Anthony Blinken na “new horizon of cooperation” ang napipintong trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, US at Japan.
“That new horizon of cooperation is also incredibly promising. It’s building on the reach foundation between our countries where we have the same priorities, whether it’s an economic development, whether it’s dealing with climate change, with food security, of course, upholding international law,” ayon kay Blinken.
Sa pakikipagpulong kay Pangulong Marcos binigyang-diin ni Blinken ang kahalagahan ng paparating na trilateral meeting nito kasama si US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida sa Washington.
“Our relationship, between the Philippines and the United States is in high – it’s something, that’s with great importance too and now we have your upcoming visit to Washington, to see President Biden also to have a trilateral meeting with president, Prime Minister Kishida,” dagdag pa ni Blinken.
Ayon pa kay Blinken ang tatlong bansa ay may parehong prayoridad, kabilang ang pagtataguyod ng international law.
Kinumpirma rin ni Blinken ang pangako ng US sa bilateral relation sa Pilipinas at idiniin na ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at US ay ang “absolute priority” ni Presidente Biden.
EVELYN QUIROZ