SI Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. lamang ang world leader na kinausap sa pamamagitan ng bilateral meeting ni US President Joe Biden sa sideline ng 77th United Nations General Assembly sa New York.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sa dinami-raming world leaders na humihirit ng bilateral meetings, tanging si Marcos ang bukod tanging pinagbigyan ni Biden.
Sa naturang bilateral meeting, tiniyak ng Pangulong Marcos na kaibigan, partner at kaalyado ng Amerika ang Pilipinas.
Nais din ni Biden na talakayin kay Marcos ang usapin sa human rights
Hindi naman binanggit ni Angeles kung sino ang humiling sa bilateral meeting.