MISMONG si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang siyang mangunguna sa gaganaping Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming sa Fort del Pilar Baguio City ngayong araw.
Magtutungo ngayong araw sa Baguio City si PBBM para makiisa sa gaganaping PMA Alumni Homecoming 2023 na gagawin mismo sa Fort Del Pilar.
Magsisilbing guest of honor and speaker sa taunang selebrasyon ng mga pulis at sundalo na nagsipagtapos sa pamosong military institution ang Pangulo bilang commander in chief.
Sa ganap na alas-9 ng umaga ay aasahan ang pagdating ni PBBM sa Fort Del Pilar.
Pagdating sa Fort Del Pilar ay diretso ang Pangulo sa sundial area para sa arrival honors na susundan ng guest book signing Longayban Hall bago tutuloy sa grandstand para sa main program.
Sa PMA Grandstand program, inaasahang pangungunahan ng Pangulo ang awarding ceremony kung saan may mga PMAer na mabibigyan ng lifetime achievement awards, Cavalier Awardees, Pandemic Heroes Awardees, Diamond Jubilarians (Class 63), Golden Jubilarians (Class 73) at Silver Jubilarians (Class 98).
Ang PMA alumni homecoming ay tradisyunal na ginagawa nang mga nagtapos sa akademya taon-taon sa pangunguna ng itinalagang host class. VERLIN RUIZ