PBBM, FL INIMBITAHAN SA GERMANY, CZECH REPUBLIC

MULING lalabas ng bansa sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Maria Louise Araneta-Marcos makaraang imbitahan ng German Chancellor Olaf Scholz para sa Working Visit sa Germany, gayundin ni Czech President Petr Pavel para sa State Visit sa Czech Republic.

Ang back-to-back visits ay sa Marso 11 hanggang 15.

Makakaharap ni Pangulong Marcos si German Chancellor Olaf Scholz sa Berlin habang sa Czech Republic ay makakapulong niya ang apat na head ng Czech government-President Petr Pavel at sina Prime Minister Petr Fiala, gayundin ang mga lider sa Czech Parliament gaya nina Senate President Miloš Vystrčil at President of the Chamber of Deputies Markéta Pekarová Adamová.

Ang magkasunod na working visit ni Pangulong Marcos sa Central European nations ay kasunod ng pagbisita sa Manila ni Czech Prime Minister Petr Fiala noong April 2023 at German Federal Foreign Minister Annalena Baerbock nitong January 2024.

Layunin ng mga pagbisita ang pagpalalakas ng bilateral relations at pag-usbong ng mas malawak na cooperation sa dalawang nations.

Inaasahan na sasamantalahin ng Pangulo ang pagkakataon na makaharap ang mga business leader sa dalawang bansa upang hikayatin na mamuhunan sa Pilipinas.

Haharapin din ng Pangulong Marcos ang Filipino community at tatalakayin ang mga programa sa overseas Filipino workers.
EVELYN QUIROZ