PBBM HANDANG ILIPAT SI DE LIMA

HANDA  si Pangulong Bongbong Marcos na ipag-utos ang pagpapalipat kay dating Senador Leila de Lima sa ibang detention facility.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos manganib ang buhay ng dating senador nang subukan itong i-hostage ng tatlong detainees sa PNP Custodial Center pasado alas-6:00 ng umaga ng Linggo.

Ayon sa Pangulo, kakausapin niya si De Lima at aalamin ang kondisyon kasunod ng hostage-taking incident.

“Following this morning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to ask if she wishes to be transferred to another detention center,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Inatasan ng Pangulo si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na tiyakin na hindi mauulit ang nangyaring hostage-taking at kaparehong insidente ng karahasan sa Camp Crame at sa iba pang detention facilities sa bansa.